National News
Pamamalo ng mga QC Task Force sa isang ECQ violator, hindi pinaboran ng DILG
Hindi pinaboran ni Department of Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang ginawang pamamalo ng mga Quezon City Task Force sa isang violator sa ipinatutupad na .
Ayon kay Diño, mayroon paring batas na sinusunod sa gitna ng striktong protocols sa ilalim ng ECQ kaya hindi tamang saktan ang mga lumalabag.
Sinabi rin nito na dapat may maximum tolerance parin ang mga barangay upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.
Magugunitang nagviral sa social media ang isang video kung saan pinagpapalo ng mga tauhan ng Quezon City Task Force ang ambulant fish vendor na kinilalang si Michael Rubuia.
Sa ngayon, nakadetine sa kamuning police station si Rubuia na nahaharap sa kasong paglabag sa Resistance and Disobedience to Persons of Authority.