Connect with us

Pamamaril at pananakit sa babaeng estudyante ng Tuguegarao, personal na tututukan ng DILG chief

Pamamaril at pananakit sa babaeng estudyante ng Tuguegarao, personal na tututukan ng DILG chief

Regional

Pamamaril at pananakit sa babaeng estudyante ng Tuguegarao, personal na tututukan ng DILG chief

Hindi iiwanan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang kaso ng pananakit at pamamaril sa isang dalaga sa loob ng St. Paul University Tuguegarao nitong nakaraang linggo. Ayon sa kalihim, isusulong nito ang mas mahigpit na pagbabantay laban sa pang-aabuso sa mga mag aaral sa bansa.

Araw ng Miyerkules, November 15, 2023, sa kuha ng CCTV footage na ito, makikita ang paglapit ng isang naka-unipormeng babae sa isang kotseng nakaparada sa isang parking lot ng St. Paul University Tuguegarao.

Pagbukas ng pinto tila may biglang humila rito papasok sa kotse hanggang maisara ang pintun ng nasabing sasakyan.

Maya’t maya pa, mapapansin rin ang patakbong paglapit ng 2 naka-unipormeng lalake nang marinig diumano ng mga ito ang pagsigaw ng biktima mula sa loob ng sasakyan.

Mula rito, lumabas ang suspek bitbit ang kanyang baril at akmang tinutukan ang 2 hanggang sa makikita na ang pagbaril ng suspek sa dalaga na tinamaan sa leeg dahilan para itoy ay humandusay sa lupa.

Napag-alaman rin ng mga awtoridad na bukod sa pamamaril, makailang beses rin nitong pinukpok sa ulo ang biktima at saka na umalis sakay ng kanyang kotse.

Kinilala ang 20 na biktima na si Althea Vivien Mendoza, at ang suspek na si Christian Ramos na parehong medical technology students sa nasabing unibersidad puno’t dulo ng insidente ang ginawang pambabasted raw ng dalaga na hindi tinanggap ng suspek.

Dahil dito, kinondena ni Interior Secretary Benhur Abalos ang aniya’y pang-aabuso na ito.

Ayon sa kalihim, personal niya itong tututukan hanggang makamit ang hustisya at mapanagot ang may sala

“I was appalled by the viral video showing Saint Paul University- Tuguegarao student Althea Vivien Mendoza being shot and beaten by another student inside their school campus. Rest assured that I will personally monitor this case and ensure that justice is done,” ayon kay DILG, Sec. Benhur Abalos.

Sa katunayan, nais ng kalihim na kausapin ang lahat ng mga guro sa bansa para tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga estudyante sa loob ng paaralan.

Layon rin ng dayalogo na magkaroon ng sistema ang mga paaralan sa bansa kung papaano madidetermina o matutukoy ang posibleng mga hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral na nauuwi sa kapahamakan sa kani-kanilang seguridad at buhay.

“I will also talk to our educators to find out how we can better ensure the safety of children inside their campuses.”

“Hopefully, our schools can find better ways to detect troubled or disturbed individuals so that they can intervene sooner,” dagdag pa nito.

Sa huli, nakikiusap ang kalihim sa publiko na makipagtulungan sa pamahalaan para labanan ang usapin ng pang aabuso lalo na sa mga kabataan at kababaihan.

“I ask the public to join me in an effort to put an end to violence against women and children. Sugpuin natin ang karahasan laban sa kababaihan at kabataan alang-alang sa mas makatao at makatarungang lipunan,” ani Sec. Abalos.

Batay sa pinakahuling impormasyon ng pulisya, pansamantalang nakalaya ang suspek na si Christian matapos itong payagan ng RTC Branch 5 na makapagpiyansa sa kasong frustrated murder at violation of BP 881 ng Omnibus Election Code.

Matatandaang, kasalukuyan pa ring umiiral ang gun ban hanggang November 29, 2023.

More in Regional

Latest News

To Top