National News
Pamasahe sa domestic at int’l flights, posibleng taasan
Malaki ang tsansang tataasan ang pamasahe sa domestic at international flights.
Ito’y kasunod sa hiling na terminal enhancement fee ng airline companies kung kaya’t posibleng aabot ng P150 ang idadagdag para sa domestic flights at P600 para sa international.
Sanhi naman ng hiling na terminal enhancement fee ang gastos ng airline companies dala ng privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kaugnay nito, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ipatutupad na ang bagong administrative order kung saan makikita ang mas mataas na bayarin ng airlines gaya ng passenger service charge, landing and take-off charge, aircraft parking, cargo terminal fee at iba pa.
