Connect with us

Pampasabog at iba pang kagamitang pandigma, narekober sa Taysan, Batangas

Pampasabog at iba pang kagamitang pandigma, narekober sa Taysan, Batangas

Regional

Pampasabog at iba pang kagamitang pandigma, narekober sa Taysan, Batangas

Narekober ang bomba at iba pang kagamitang pandigma sa Taysan, Batangas.

Kasunod ng pagsuko ng isang dating kasapi ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF sa pamunuan ng 59th Infantry Protector Battalion nitong Setyembre 15, agaran niyang ipinagbigay-alam sa mga kasundaluhan ang mga lokasyon na madalas na tinutungo ng mga armadong teroristang grupo.

Agarang tinugunan naman ito ng mga kasundaluhan ng 59IB at agad tinungo ang mga lugar na binanggit ng dating rebelde sa kanyang salaysay.

No description available.

Sa ginawang operasyon sa bandang Sitio Amatong, Brgy. Guinhawa, Taysan, Batangas, nasamsam ang isang landmine na may bigat na tinatayang anim na kilo at isang humigit-kumulang 50 metrong haba ng detonating cord.

Agad namang nakipag-ugnayan ang mga kasundaluhan sa tamang awtoridad para sa marapat na aksyon sa pag-dispatya ng naturang kagamitang nasamsam.

 

More in Regional

Latest News

To Top