National News
PAMPI, ipinag-utos ang pag-boycott sa local pork products dahil sa ASF
Ipinag-utos na ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) sa mga miyembro nito na i-boycott muna ang local pork products hangga’t patuloy ang banta ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Ayon kay PAMPI Spokesperson Rex Agarrado, mas makabubuting huwag na munang gumamit ng domestic pork products hangga’t hindi pa tiyak na ASF-free na ang mga ito.
Ani Aggardo, kumpiyansa naman sila sa kanilang ini-import na karne mula sa ibang bansa.
Kasunod nito ay nanawagan ang PAMPI sa otoridad na patuloy na magsagawa ng random testing hindi lang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao region upang muling tumaas ang tiwala ng publiko sa processed meat products.