Connect with us

Pamunuan ng DA, umaasang mabibigyan ng sapat na pondo ng susunod na administrasyon

Pamunuan ng DA, umaasang mabibigyan ng malaking pondo ng susunod na administrasyon

National News

Pamunuan ng DA, umaasang mabibigyan ng sapat na pondo ng susunod na administrasyon

Naniniwala si Agriculture Secretary William Dar na mas mabibigyan ng sapat na pondo ang Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng administration ni President-elect Bongbong Marcos.

Kasunod ito ng hakbang ni PBBM na pansamantalang pamunuan ang kagawaran sa pagpasok ng kanyang administrasyon.

Sinabi rin ng kalihim na handa na ang kanilang transition plan na isusumite sa incoming president.

Kabilang sa mga nilalaman nito ang mga rekomendasyon at maaaring solusyon na kinakaharap sa sektor ng agrikultura.

Samantala, hinggil naman sa plano ng DA na ibalik ang NFA rice sa merkado para sa mga benepisyaryo ng 4P’s, sinabi ni Dar na isa ito sa kanilang naging rekomendasyon .

Kaugnay nito, nagpaliwanag naman si Dar kung bakit ngayon lang gagawin ang kanilang mga rekomendasyon kabilang na ang NFA buffer stocking.

Magugunita na noong panahon ng kampanya pa lang ay sinabi na ni President-elect Marcos na target nitong mapababa sa hanggang P20 ang kada kilo ng bigas sa mga pamilihan.

 

More in National News

Latest News

To Top