Connect with us

Pananakop ng mga fighter sa national laboratory ng Sudan, isang malaking biological risk – WHO

Pananakop ng mga fighter sa national laboratory ng Sudan, isang malaking biological risk – WHO

International News

Pananakop ng mga fighter sa national laboratory ng Sudan, isang malaking biological risk – WHO

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa ginawang pagsakop ng mga fighter ng Sudan sa national laboratory sa Khartoum.

Ito’y matapos iulat na hindi na makapapasok ang mga manggagawa sa laboratoryo.

Ayon kay Nima Saeed Abid, kinatawan ng WHO sa Sudan, nakatago sa naturang pasilidad ang mga measles at cholera pathogens at iba pang hazardous materials.

Ayon sa WHO, 14 na pag-atake sa mga pasilidad o tauhan na ang naitala nang magsimula ang gulo kung saan 8 healthcare workers na ang nasawi habang 2 naman ang sugatan.

Nagbabala din ang ahensya sa patuloy na pagkaubos ng mga stock ng dugo at ang panganib na masisira ang mga ito dahil sa kawalan ng kuryente sa mga pasilidad.

Samantala, batay sa tala ng Sudanese Health Ministry, umabot na sa mahigit 400 ang nasawi habang nasa mahigit 4K naman ang sugatan sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Sudan.

More in International News

Latest News

To Top