National News
Pananatili ni Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC, ikinadismaya ni Lacson
Dismayado si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa desisyon ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na manatili si Lt. Gen. Antonio Parlade bilang tagapagsalita ng task force.
Kahapon ay inanunsyo ni NTF-ELCAC Vice Chair Hermogenes Esperon ang pagkakaroon ng walong tagapagsalita ng taskforce kasama ang naturang heneral.
Giit ni Lacson, sa ilalim ng Saligang Batas hindi maaring magkaroon ng civilian post ang isang aktibong militar opisyal.
Matapos aniyang napili ng NTF-ELCAC na hindi sundin ang batas ay nagbanta ang senador sa mga ito na tila hindi na nito dedepensahan ang pondo ng NTF-ELCAC.
“Since the time the NTF-ELCAC was created, being the principal sponsor of their annual budget I have been their most reliable ally in the Senate – until now,” .
“That said, there’s no point discussing, much less arguing with people who refuse to listen to reason and adhere to the rule of law. All I can say is, they made their choice, and it will cost them.”.
Nanindigan naman si Esperon wala silang nilalabag na kautusan hinggil sa posisyon ni Lt. Gen. Parlade sa Task Force.
Aniya, ito ang unang pagkakataon na makakarinig ito na magkakaroon ng walong mouthpiece ang isang taskforce.
“This is the first time I am hearing of a mere task force with 8 spokespersons. Is it a judicious use of funds? It only reinforces the fear that NTF-ELCAC is a propaganda.”
Maliban kay Parlade ay nanatiling tagapagsalita din ng taskforce si PCOO Usec. Lorraine Badoy nakatalaga sa Social Media Affairs, Sectoral Concerns.
Dumagdag naman sa kanila ay sila DILG Usec. Jonathan Malaya, si Usec. Severo C. Caturan mula sa Presidential Human Rights Committee Secretariat na itinatalaga para maging spokesperson sa International Affairs, Peace Process, Human Rights Concerns.
Usec. Jose Joel Sy Egco ng Office of the Presidential Task Force on Media Security Secretariat , si Asec. Celine Pialago ng MMDA , Atty. Marlon Bosantog mula sa National Commission on Indigenous Peoples, at Gayedelle Florendo – Assistant Spokesperson on NTF-ELCAC Public Affairs and on Indigenous Peoples Concerns.
