National News
Pananatili o pagbuwag sa IATF, nasa pagdedesisyon ni PBBM
Maaaring manatili pa rin pero hindi maiaalis ang posibilidad na buwagin na ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang IATF ay binuo noong 2014 sa pamamagitan ng executive order ni Pangulong Noynoy Aquino.
Kaugnay nito ay ipinagpatuloy naman o pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang IATF na siya namang tumutok sa sitwasyon ng COVID-19.
Samantala bilang chairman ng IATF ay may kapangyarihan anya ang itatalaga o magiging bagong secretary ng Department of Health (DOH) para tukuyin o masabi kung kinakailangan pa bang magpulong ang IATF.
Kaugnay nito ay nasa mandato rin anya ng susunod na administrasyon kung ipagpapatuloy o kung bubuwagin na ba ang IATF.
