Connect with us

Panawagan hinggil sa kalagayan ng mga IP sa Pilipinas, tinanggap ng UN

Panawagan hinggil sa kalagayan ng mga IP sa Pilipinas, tinanggap ng UN

National News

Panawagan hinggil sa kalagayan ng mga IP sa Pilipinas, tinanggap ng UN

Naniniwala si Rurelyn Bay-ao, kinatawan ng Indigenous People (IP) Youth Philippine delegation, na tinanggap ng United Nations (UN) ang mga inilahad niyang katotohanan kaugnay ng tunay na lagay ng mga katutubo partikular na sa mga kabataaan sa Pilipinas gayundin ang kanyang panawagan na suportahan ang mga tulad niyang IP.

“Unang-una po talaga yaong bitbit na panawagan doon ay ang suportahan ang mga Indigenous People advocacy para sa implementing of the 11-building block sa buong Indigenous communities dito sa Pilipinas at sa nangyari na hindi maganda na ginagamit ang Indigenous People sa mga maling gawain,” ayon kay Indigenous People, Youth Representative, Rurelyn Bay-ao.

Samantala, kasama rin ni Bay-ao sa Philippine delegation ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na pinangunahan ni Chairperson Jenny Sibug Las at ng commissioners at bureau directors.

Sa naturang forum lumahok si Bay-ao sa daily session at nagsalita sa side session at focus group discussions.

Dito naibahagi niya ang mga programa at magagandang karanasan kasama ang ahesya ng pamahalaan gaya ng NCIP at NTF-ELCAC.

“Maganda naman kasi napag-usapan isyu ng mga IPs at ng mga kabataan dito sa Pilipinas which is napakinggan at narinig at na-recognize po tayo ng UN body.”

“At nag promise din na ang UN pala we are here to support the IP concerns,” dagdag pa nito.

Nagpapasalamat din si Bay-ao sa Mindanao Indigenous People Youth Organization, sa Mindanao Indigenous Peoples Conference for Peace and Development (MIP-CPD) at sa NCIP dahil isa sya sa daan-daang IP youth na napili bilang kinatawan ng United Nations Convention.

“Maraming-maraming Salamat sa tulong, sana hindi lang ako ang first na Indigenous youth na maka attend sa ganyang mga events kundi marami pang mga kabataan,” ani Rurelyn Bay-ao.

Si Bae Rurelyn Bay-ao, ay apo ng pinuno ng tribo ng Manobo at Lumad rights advocate na si Bae Bibyaon Ligkayan Bigkay, na kilala rin bilang “Ina ng mga Lumad.”

Si Bay-ao ay isang kinatawan ng kabataan ng Indigenous Peoples (IP) na sumuko sa gobyerno, na naghayag sa mga kahirapang pinagdadaanan ng mga katutubong kabataan sa ilalim ng komunistang teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF.

More in National News

Latest News

To Top