Connect with us

Panawagan ni Pang. Duterte na buwagin ang party-list system sa bansa, suportado ni Pastor Apollo

Panawagan ni Pang. Duterte na buwagin ang party-list system sa bansa, suportado ni Pastor Apollo

National News

Panawagan ni Pang. Duterte na buwagin ang party-list system sa bansa, suportado ni Pastor Apollo

Suportado ni Pastor Apollo Quiboloy, honorary chairman ng SMNI, ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang party-list system sa bansa.

Binigyang-diin ni Pastor Apollo na isang kasagutan sa mga hinaing ng mamamayang Pilipino si Pangulong Duterte  kasunod ng panawagan ng ng Punong Ehekutibo na buwagin na ang party-list system sa bansa.

“Alam mo si Pangulong Duterte, puro kasagutan ng ating mga tanong. Puro kasagutan ng ating mga hinaing,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Bakit yang party-list system na yan hindi i-abolish yan? Ito ngayon ang kasagutan. Ang Pangulong Duterte talagang matalino’t mautak ang paningin sa bansa,” ani Pastor Apollo.

“Itong party-list kailangang alisin na ito ng kung sinong magpresidente ngayon na papasok,” dagdag ng butihing Pastor.

Ayon kay Duterte, pinapayagan lamang ng party-list system ang mga grupong nauugnay sa mga rebelde na makilahok sa pamahalaan.

Kaugnay nito, ayon kay Pastor Quiboloy, ilang beses na rin itong hinimok na bumuo ng party-list, bagay na hindi naman gusto ng butihing Pastor.

 “Ako, matagal na akong hinihimok na, “Pastor ang dami mong members, bakit hindi ka sumali sa party-list system?” Alam ninyo ayoko talaga. Ayoko. Sa katunayang ang mga b*gok na mga KABAG nandiriyan. Ayaw kong makipagpantay sa kanila. Kaya ayoko talaga,” ayon kay Pastor Apollo.

Dagdag pa ni Pastor Quiboloy, wala itong malinaw na constituents at maraming beses na mayayaman lamang ang nakikinabang.

Samantala, nanawagan din si Pang. Duterte na pangunahan ng susunod na pangulo ang constitutional convention upang amyendahan ang 1987 Constitution.

“Nakakagasto lang yan ng napakalaki wala namang constituents na talaga. Walang constituents. Kung minsan ginagamit– di lang minsan, maraming beses ang mga mayayaman ang gumagamit niyan. Pagkatapos nilalaro laro lang ng ibang mga politiko. Pa-recycle recycle kung ano babalik na naman siya, dito na naman siya tapos pera na naman ng bayan ang ginagamit,” ani Pastor Apollo.

“It would be as good as any other time to initiate whether to convert Congress into a constituent body or magtawag ng constitutional convention, which is very expensive to do, pero dapat umpisahan na sa bagong administrasyon,” dagdag ni Pastor Apollo.

More in National News

Latest News

To Top