Connect with us

Pandaraya ni Guanzon sa batas, magiging daan ng lokohan sa halalan- Cardema

Magiging daan para magkaroon ng lokohan sa eleksyon ang ginagawang pandaraya sa batas ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

National News

Pandaraya ni Guanzon sa batas, magiging daan ng lokohan sa halalan- Cardema

Magiging daan para magkaroon ng lokohan sa eleksyon ang ginagawang pandaraya sa batas ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ito ang sinabi ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema sa panayam ng SMNI News.

Ani Cardema, isa aniya ito sa mga dahilan para maghain ng oposisyon sa Comelec ang kanilang hanay laban sa pag-upo ni Guanzon bilang first nominee ng P3PWD party-list.

Ibinahagi pa ni Cardema na mismong ang taga-Comelec ang kumontak sa kanila para maghain ng  kaso laban kay Guanzon.

Matatandaan na noong Hunyo 14 nang sabay-sabay na maghain ng kanilang resignation ang limang nominees ng P3PWD party-list na nagbigay-daan para maging first nominee nito si Guanzon.

Giit ni Cardema, tinakot ang mga ito ni Guanzon

Inilahad din ni Cardema ang iba pang dahilan ng kanilang pagkontra sa pag-upo ni Guanzon bilang kinatawan ng P3PWD Party-list.

Una aniya ay lagpas na sa itinakdang substitution period ang pagpalit ni Guanzon sa mga naunang nominee.

Hindi rin aniya totoo ang sinabi ni Guanzon na disenfranchisement ng boto kung hindi makauupo sa Kongreso ang P3PWD Party-list lalo pa’t kwestiyunable ang sabay-sabay na pag-resign ng limang nominees.

Binigyang-diin din ni Cardema na posibleng may sariling interes si Guanzon dahil naaprubahan ang aplikasyon ng P3PWD nang ito ay kumisyoner pa ng Comelec.

More in National News

Latest News

To Top