National News
Panelo, binalik ang isang hamon ni FPRRD vs. mga mambabatas
Mayroong pasaring sa mga mambabatas si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kaugnay sa hamon noon ni dating Pang. Rodrigo Duterte na buksan ang mga libro nito.
Hugot ito ng dating opisyal matapos mag-viral ang sagutan nina Marikina Rep. Stella Quimbo at House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera kaugnay sa nakaugaliang paggamit ng overall savings at earmarked revenues.
Ani panelo, nataranta si Quimbo sa mga tanong ni Herrera na aniya’y tama ang mga punto sa nasabing isyu. “Kitang-kita mo ‘yung diperensya ng dalawa. ‘Yung isa si Congw. Herrera nag-aral, preparado.
Ito namang si Congw. Stella, nataranta, hindi niya alam kung ano isasagot niya. Mali-mali ang sagot. Tama naman ang punto ni Congw. Herrera.”
Samantala, dagdag ni Panelo, ang nararanasang kritisismo ni Quimbo mula sa taumbayan ngayon ay dahil na rin sa naging asta nito sa pagdinig para sa Office of the Vice President (OVP) budget proposal, dahilan upang makita ng mamamayan ang pagbabago nito- mula sa pagiging simpleng guro at ngayo’y isa ng maluho umanong mambabatas.
“Ang pinaka punto yata ng mga komentaryo, ‘teka muna, saan mo naman pinagkukuha ‘yang perang ‘yan dahil teacher ka lang dati?’
Dati nagta-tricycle daw, nagdyi-dyip. Suddenly, customized ‘yung van, pinakita tapos ang ganda ng mga suot. Tsaka, if you notice every time may congressional hearing, parang nagpa-fashion show siya.
Okay lang ‘yan kung fashion, eh, hindi naman. Parang lagi siyang aattend ng SONA. Kitang-kita tuloy, ‘yan ang tinatawag na karma. Binanatan mo nang binanatan si VP Sara, ngayong bumabalik sa’yo lahat ng banat. ‘Yang ang problema diyan.”