Connect with us

Pang. Bongbong Marcos, nagpositibo sa COVID-19

Pang. Bongbong Marcos, nagpositibo sa COVID-19

National News

Pang. Bongbong Marcos, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) nitong 12 midnight ng December 5.

Base sa medical advice, mananatili si PBBM sa isang ‘period of isolation’ sa loob ng 5 araw.

Gayunpaman, inihayag ng PCO na nananatiling ‘fit’ ang pangulo na gampanan ang kanyang mga tungkulin at ipagpapatuloy ang kanyang mga nakatakdang pagpupulong sa pamamagitan ng teleconference.

Ito ang ikatlong beses na nagpositibo sa COVID-19 si Marcos Jr.

Una siyang nahawa sa sakit noong 2020, ilang sandali matapos na unang matukoy ang coronavirus sa Pilipinas.

Noong 2022, muling nagkasakit ng COVID-19 si Marcos Jr., ngunit nagkaroon lamang ng mas banayad na pakikipaglaban sa virus.

Noong Hulyo ngayong taon, inalis ni Pangulong Marcos ang State of Public Health Emergency sa buong Pilipinas na dulot ng COVID-19.

Sa dagdag pang detalye mula sa PCO, hinikayat anito ni Pangulong Marcos ang publiko ngayong kapaskuhan na mag-ingat upang mapangalagaan ang kalusugan, tulad ng pagbabakuna at boluntaryong pagsusuot ng mask kapag pumapasok sa mataong lugar.

Pinakahuling aktibidad na dinaluhan ng pangulo ay ang pagdiriwang ng ‘Family Day’ ng Office of the President (OP) sa Malacañang grounds nitong Disyembre 2, kung saan nagbigay siya ng talumpati at nakipaghalubilo sa mga kawani ng OP at kanilang mga pamilya.

Samantala, sa huli, ay tiniyak naman ng PCO na ilalabas nito ang update patungkol sa kalusugan ni Pangulong Marcos kung itoy available na.

More in National News

Latest News

To Top