Connect with us

Pang. Duterte, handang i-audit ang buong gobyerno kung magiging VP

Pang. Duterte, handang i-audit ang buong gobyerno kung magiging VP

National News

Pang. Duterte, handang i-audit ang buong gobyerno kung magiging VP

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang suriin ang lahat ng ahensya ng gobyerno kabilang na ang Commission on Audit(COA) kung siya ay magiging susunod na bise presidente ng bansa.

Sinabi ng pangulo na dapat may mag-audit rin sa COA at boluntaryo aniya siyang gagawa nito kung mahahalal na bise presidente sa susunod na taon.

“Somebody should do it. I will — I will do that if I become vice president. Ako na lang rin ang mag-audit sa lahat ng gobyerno. Lahat, pati ‘yung akin, mag-umpisa ako sa akin,” aniya.

Sa 1987 constitution, nakasaad dito na ang COA ang nag-iisang external auditor ng mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang mga government-owned- and-controlled corporations (GOCCs).

Kabilang rin sa mandato nito na ang komisyon mismo ang mag-audit sa kanilang sarili.

Matatandaang binanatan ni Duterte ang COA matapos isinapubliko ang audit report nito sa Department of Health(DOH) kung saan naging kwestyunable ang paggasta ng ₱67 billion na COVID-19 funds.

Una nang ipinaliwanag ng pangulo na hindi nito ipinahihinto ang komisyon sa pagtupad sa kanilang mandato, kundi hinihiling lamang nito na iwasan ng COA ang paglalahad ng kanilang report dahil nababahiran ng korupsiyon ang mga ahensya ng gobyerno kahit hindi pa ito pinal.

Muli ring binanggit ng pangulo ang panawagan nito sa komisyon na bigyan ng sapat na panahon ang mga ahensya sa pag-liquidate ng lahat ng pondo lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa.

More in National News

Latest News

To Top