Connect with us

Pang. Duterte, hindi interesado sa ABS-CBN franchise Senate hearing – Panelo

Hindi na makukuhang muli ng ABS-CBN ang kanilang dating frequency kung mapagkakalooban sila ng prangkisa.Inihayag ni Franchise Lawyer Atty. Rolex Suplico

National News

Pang. Duterte, hindi interesado sa ABS-CBN franchise Senate hearing – Panelo

Hindi interesado si Pang. Rodrigo Duterte na i-monitor ang gagawing pagdinig ng Senado ngayong araw patungkol sa franchise renewal application ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masyadong maraming trabaho ang pangulo kaya malabong panoorin niya ito.

panelo on albayalde

Atty. Salvador Panelo, Presidential Spokesman

“Hindi interesado si Presidente, maraming trabaho si Presidente, too many work,” saad ni Panelo.

Gagawin ang nasabing pagdinig 2 linggo matapos maghain ng Quo Warranto Petition sa Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida.

Layon ng Quo Warranto na hilingin ang pagbawi sa prangkisa ng giant network dahil sa umano’y foreign ownership dito.

Una nang iginiit ng Malakanyang na wala silang kinalaman sa paghahain ng OSG ng Quo Warranto Petition.

More in National News

Latest News

To Top