Connect with us

Pang. Duterte, ipapabaril ang manggugulo sa ipinatutupad na lockdown

Isang simpleng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matutunghayan sa darating na Hulyo 26.

National News

Pang. Duterte, ipapabaril ang manggugulo sa ipinatutupad na lockdown

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang ipababaril sa mga kapulisan at sundalo ang sinomang manggugulo sa ipinatutupad na

Ito ay matapos magsagawa ng kilos-protesta ang mga residente sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City dahil sa umano’y kawalan ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Sa kaniyang talumpati noong Miyerkules ng gabi, Abril 1 sa Malakanyang, tiniyak ng Pangulo na handa ang mga kapulisan at sundalo na gumamit ng dahas kung malalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga nagpapatupad ng batas.

“Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I’m addressing the left. Yung pambabastos ninyo slamming about the distribution, remember kayong mga left, you are not the government. Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation.”

“We are ready for you. Gulo? Barilan o patayan? I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you. Ngayon, ‘pag kayo na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo.”

Samantala, sa panayam ng Sonshine Radio kay IATF Chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., dapat aniyang ikulong ang mga nagsagawa ng kilo-protesta dahil sumuway ito sa direktiba ng Pangulo sa pagpapatupad ng ECQ.

“Nag-violate sila ng law eh. Sobrang tigas ng ulo nila. Naka-quarantine po tayo eh.”

“They are placing the people in danger by exposing themselves in public. Nakita naman natin ang ano natin, ‘Stay at home. Magho-home quarantine tayo for one month hanggang April 14 – ‘yan ang directive; and then sumuway po tayo sa national directive eh.”

“Matigas talaga ang mga ulo nito kaya dapat maikulong po talaga,” pagsasaad ni Galvez.

Sa ngayon inaresto na ng Philippine National Police ang 21 sa mga nagsagawa sa nasabing kilos-protesta.

More in National News

Latest News

To Top