Connect with us

Pang. Duterte, magbibigay ng P30,000 sa mga magsusumbong sa tiwaling LGU officials

Inaasahan ni Senate President Vicente Sotto III na magagalit si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang nailantad na mga irregularidad ng Philhealth.

National News

Pang. Duterte, magbibigay ng P30,000 sa mga magsusumbong sa tiwaling LGU officials

Magbibigay ng P30,000 reward money si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang magsusumbong laban sa tiwaling local government officials.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque at sinabing isumbong lamang ito sa hotline number na 8888.

Dagdag pa ni Roque, ang naturang pabuya ay ipagkakaloob kapag napatunayan ang reklamo sa korapsyon laban sa local officials.

Aniya, alinsunod ito sa ‘zero tolerance’ ng Pangulo sa government officials na kinukurakot ang ayuda na para sa mga Pilipino.

Matatandaang inaresto ng mga pulis ang isang barangay kagawad na si Danilo Flores sa Hagonoy, Bulacan. Ito ay matapos kunin ang mahigit sa kalahati ng P6,500 ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Nakunan ng video si Flores na sinasabihan ang mga beneficiaris na P3,000 lang ang makukuha nila dahil ang P3,500 ay mapupunta umano sa mayor para ibigay sa mga hindi makatatanggap ng ayuda.

More in National News

Latest News

To Top