Connect with us

Pang. Duterte, magdedesisyon tungkol sa extension ng ECQ sa tamang panahon

Pang. Duterte, magdedesisyon tungkol sa extension ng ECQ sa tamang panahon

COVID-19 UPDATES

Pang. Duterte, magdedesisyon tungkol sa extension ng ECQ sa tamang panahon

Inihayag ng Palasyo na si Pangulong Rodrigo Duterte ang magdedesisyon sa posibleng pagpapalawig sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, batid ng Pangulo ang panawagan ng ibang sektor na nais nito na palawigin pa ang ECQ sanhi ng dumarami pang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Image may contain: 1 person, text that says 'IN PALA LA YANCY LIM/PRESIDENTIAL PHOTOS'

Alam din ni Panelo na maaring mauwi sa wala ang aksyon ng pamahalaan kung dadami pa ang kaso ng COVID-19 kung tatapusin agad ang ECQ sa darating April 12.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa aniya ni Duterte ang pinakamagandang desisyon para maging epektibo ang gagawing aksyon ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.

Samantala, hati ang reaksyon ng publiko sa planong pagpapalawig sa ipinapairal na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Batay sa ginawang panayam ng SMNI News sa publiko, marami na ang nagrereklamo dahil apektado na ang kanilang pangkabuhayan ngunit pabor naman ang iba dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na bagama’t ‘di siya pabor sa extension ng lockdown ay nakadepende pa rin ang desisyon sa pagdami ng taong magpositibo sa COVID-19

Kung aabot pa aniya sa 10,000 ang bilang ng may sakit ay maaaring magpasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na palawigin ang lockdown ngunit kung hindi naman ay tatapusin na bago sa April 14.

Naniniwala si Año na naging epektibo ang lockdown, dahil maaari aniyang nasa 20,000 na ang may COVID-19 ngayon kung hindi ito ipinatupad.

Maliban dito, sinang-ayunan din ni Vice Pres. Leni Robredo ang ideyang ito sakaling magkaroon ng extension ang pagpapatupad ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon ngunit dapat siguruhin ng gobyerno na hindi magugutom ang publiko kapag pinaliwag pa ang ECQ.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top