National News
Pang. Duterte, magpapatupad ng martial law kung magpapatuloy ang ‘lawlessness’
Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng martial law kapag nagpatuloy ang mga rebelde sa pagpatay sa mga pulis at sundalong nagdadala ng pagkain at pera sa mamamayang apektado ng .
Ito ay matapos mangyari kamakailan ang isang insidente ng pananambang ng New People’s Army sa dalawang sundalo na maghahatid ng pera sa mga tao.
Sa kanyang public address, nagbabala ang Pangulo na kapag nagpatuloy ang ‘lawlessness’ at patuloy ang pagpatay sa mga sundalo at pulis na naghahatid lang ng pagkain at pera sa mga residente ay magdedeklara siya ng martial law.
“Dalawang army nag-escort para i-deliver sa mga tao pati pera pinatay ninyo. If that is not lawlessness, what is that? Tell me. Kaya ngayon, Kapag nagpatuloy kayo ng lawlessness ninyo, patay dito, patay doon, and it’s happening all over the Philippines, maybe I will declare martial law,” banta ng Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng Pangulo, mayroon pa aniya siyang dalawang taon sa termino para tapusin ang mga rebelde kasama na ang iba pang makakaliwang grupo na patuloy na nanggugulo sa taumbayan.
“I might declare martial law, and there will be no turning back, kung ano ang martial law na klaseng gagawin ko, akin lang yan. Pero kung gusto niyo kasi, pinagpapatay ninyo yung mg a sundalo ko pati pulis ang utos ko sa kanila, patayin kayo, patayin niyo sila. Tapusin na natin ito sa panahon ko. I have two more years. I will try to finish all of you. Pati kayong mga legal magtago na kayo,” babala ng Pangulo.
Samantala, pinalawig hanggang May 15 ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at mga tinaguriang ‘high risk’ areas sa bansa.