Connect with us

Pang. Duterte, mananatili lamang sa Bahay Pagbabago ngayong Holy Week

Pang. Duterte, mananatili lamang sa Bahay Pagbabago ngayong Holy Week

National News

Pang. Duterte, mananatili lamang sa Bahay Pagbabago ngayong Holy Week

Mananatili lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Bahay Pagbabago ngayong Holy Week.

Sa virtual briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kinansela ang pangulo ang kanyang biyahe sa Davao para makasama ang kanyang pamilya at anak na si Kitty na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sinabi ni Panelo na itutuloy ng pangulo ang kanyang trabaho sa pagmomonitor sa kaganapan sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Tiniyak pa ni Panelo na nasa magandang kondisyon ang kalusugan ang pangulo at hindi lang ito nakakatulog ng husto dahil iniisip niya ang problema ng bansa.

Maliban dito, pinasalamatan din ng kalihim ang lahat ng mga pribadong kumpanya at indibidwal na nagbigay ng tulong para sa mga health workers at iba pang frontliners.

Pagdinig sa mga administrative disciplinary cases sa Office of the President, suspendido muna

Suspindido muna ang pagdinig sa mga administrative disciplinary cases sa Office of the President habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine.

Batay ito sa nilagdaan ni Pangulong Rodigo Duterte na administrative order no. 29 na nagtatakda ng guidelines ukol sa suspensyon.

Sakop dito ang pansamantalang suspensyon ang paghahain ng mga kaso, apela, petitions for review at iba pang pleadings.

Matatandaang idineklara ni pangulo ang state of calamity sa bansa sa loob ng 6 na buwan at nagpatupad ng ECQ sa Luzon simula noong Marso 17 at magtatapos sa Abril 30.

 

More in National News

Latest News

To Top