Connect with us

Pang. Duterte, mas pinaigting ang ‘skills training’ ng mga OFW sa tulong ng TESDA – Deputy Dir. Gen. Bertiz

Pang. Duterte, mas pinaigting ang 'skills training' ng mga OFW sa tulong ng TESDA – Deputy Dir. Gen. Bertiz

National News

Pang. Duterte, mas pinaigting ang ‘skills training’ ng mga OFW sa tulong ng TESDA – Deputy Dir. Gen. Bertiz

Mas pinaigting ni Pang. Rodrigo Roa Duterte ang ‘skills training and development’ sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa iba’t-ibang sitwasyon.

Ito ang inihayag ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Deputy Director-General John Bertiz sa panayam ng Sonshine Radio.

No description available.

“And, noong naupo ang ating mahal na Pangulo mas lalo niyang pinaigting ang skill and training ng development ng TESDA. Kung matatandaan niyo, ‘yung Republic 11203 o ‘yung tinatawag nating Rice Extension Service Program,” ani Bertiz.

Ani Bertiz, bago pa man tumama ang COVID-19 pandemic ay palagi nang inaatasan ni Pang. Duterte ang TESDA para tulungan ang mga overseas Filipino worker na nawalan ng trabaho.

“When I was a sitting Congressman, July 2016, pinapunta kami ni Pres. Duterte sa Saudi Arabia noon, ‘yung 11,000 na na-displaced na mga construction workers. So, kasama namin ang mga Department of Labor (DOLE), TESDA, pumunta po tayo doon sa mga campsite, at right then and there, ay nag-offer na tayo ng mga additional skill training and up scaling ng mga workers na gusto ng bumalik sa ating bansa,” dagdag pa ng TESDA Deputy Director.

Dadag pa ni Cong. Bertiz, mas lalo pang tumulong ang TESDA sa panahon ng pandemya kung saan maraming mga OFW ang umuwi sa bansa.

“Medyo challenge talaga kasi medyo nagsasara lahat ng mga kumpanya, and then libu-libo ang mga uumuuwing mga OFW natin. So, we were tasked and asked by, of course, by the President, kung ano pa ang pwedeng magawa sa TESDA, especially on the repatriated workers at saka ‘yung mga balik-probinsya natin. So, doon pumasok ang mga area-based demand driven program natin,” saad pa nito.

Sa ngayon, maraming inaalok ang TESDA na iba’t-ibang mga pagsasanay gaya ng pagsasaka para sa mga OFW at maging sa mga nagbabalik-loob na mga rebelde para magamit nila sa kanilang kabuhayan.

Samantala, masayang ibinahagi ni Bertiz na merong TESDA online course na nag-aalok ng 115 courses na bukas sa mga OFW kahit nasa ibang bansa.

Aniya, maaari rin aniyang mag-aral ang may edad 15 taon pataas.

More in National News

Latest News

To Top