Connect with us

Pang. Duterte, may tagubilin kay PBBM

Pang. Duterte, may tagubilin kay PBBM

National News

Pang. Duterte, may tagubilin kay PBBM

May tagubilin si Pang. Rodrigo Duterte kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Sa kanyang talumpati sa isinagawang awarding o pagbibigay ng Madayaw Residences Units sa Central Park, Bangkal, Talomo District sa Davao City, sinabi ng pangulo na dapat ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang mga proyekto na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga Pilipino.

Ani Pang. Duterte, dapat makita ng mga tao na may ginagawa ang gobyerno sa kanilang pera.

Kaugnay naman sa pagbibigay ng low-cost housing, sinabi ni Pang. Duterte na ito ay bilang gantimpala ng gobyerno sa sakripisyo ng mga uniformed personnel, overseas Filipino worker at mga trabahante ng gobyerno.

Saad ng pangulo, ito ang patunay na ang pera ng mga tao ay napupunta sa tamang proyekto.

Nanawagan naman si Pang. Duterte sa National Housing Authority na paigitingin pa ang programa nito sa mga tao.

More in National News

Latest News

To Top