Connect with us

Pang. Duterte, muling inirekomenda ang paggamit ng face shield vs. Omicron

Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na malaki ang nabibigay na karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng faceshield

National News

Pang. Duterte, muling inirekomenda ang paggamit ng face shield vs. Omicron

Inirekomendang muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield dahil sa naitalang omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa talk to the people address ni Pangulong Duterte nitong Martes ng gabi, sinabi ng punong-ehekutibo na sa mga takot o ayaw mahawaan ng COVID 19, ay pinayuhang huwag itapon ang kanilang face shield.

Binigyang-diin ng pangulo na ang face shield, na may kasamang face mask, ay dagdag proteksyon laban sa virus.

Binanggit din ng chief executive ang pagpuna ng ibang bansa sa Pilipinas sa pagpapatupad noon ng mandatoryong paggamit ng face shield kahit nakatulong naman ito sa publiko sa pag-iingat laban sa virus.

Una na ring ikinonsidera ng pamunuan ng National Task Force Against COVID-19 ang posibilidad na ipatupad muli ang face shield policy dahil sa pagkatala ng Omicron variant sa Pilipinas.

Kung maalala, noong Nobyembre inalis ng pamahalaan ang mandatoryong paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3.

Aminado naman ang presidente na natatakot siyang magkaroon ng mga panibagong variant ng COVID-19 at mauwi sa muling pagsirit ng mga kaso sa bansa.

Sambit ng punong-ehekutibo na masyado nang manipis ang pondo ng pamahalaan at nangangamba siyang baka wala nang magastos sa pagtugon sa pandemya.

Gayunpaman, batid ni Pangulong Duterte na hindi maiiwasang makapasok sa bansa ang mas nakakahawang Omicron variant lalo na’t marami nang umuuwi sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan mayroon nang naitalang tatlong kaso ng Omicron variant dito sa bansa.

Samantalang, nagdulot ang Omicron variant na ito ng panibagong pagsipa ng mga kaso ng COVID 19 sa ibang mga bansa partikular sa Europa.

More in National News

Latest News

To Top