Connect with us

Pang. Duterte, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni UAE Pres. Sheikh Khalifa

Pang. Duterte, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni UAE Pres. Sheikh Khalifa

Metro News

Pang. Duterte, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni UAE Pres. Sheikh Khalifa

Nagpahatid ng pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno at mamamayan ng United Arab Emirates (UAE) kaugnay ng pagkamatay ni UAE President His Highness Sheik Khalifa Bin Sayed Al Nahyan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Office of Presidential Protocol and Office of Presidential Assistant on Foreign Affairs, ipinaabot ng pangulo ang pakikiisa ng Sambayanang Pilipino sa UAE sa kanilang pagdadalamhati.

Inalala rin ng pangulo si His Highness Sheikh Khalifa bilang isang matapang na visionary na ang pamumuno ay napakahalaga sa patuloy na pagbabago ng ekonomiya ng UAE at malalim na pakikapag-ugnayan sa international community kabilang ang Pilipinas.

Dagdag pa rito, sinabi ni Duterte na maala si His Highness Sheikh Khalifa dahil sa kanyang legasiya ng pamumununo, karunungan at kabutihan.

Ang mensahe ng pakikiramay ni Pangulong Duterte ay personal na ipinarating kay United Arab Emirates President His Highness Sheikh Mohammed Bin Zayed Al Nahyan sa pamamagitan ng kanyang Special Envoy, Secretary Robert E.A. Borje.

 

 

More in Metro News

Latest News

To Top