Connect with us

Pang. Duterte, nakakuha ng ‘Very Good’ net satisfaction rating – latest survey ng SWS

Pang. Duterte, wala pa ring iniendorsong presidential candidate - Malakanyang

National News

Pang. Duterte, nakakuha ng ‘Very Good’ net satisfaction rating – latest survey ng SWS

Nakakuha ng ‘very good’ satifaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte kahit ilang buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang termino batay sa pinakahuling resulta ng Social Weather Survey (SWS).

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni political analyst at professor Anna Malindog-Uy na patunay lang ito na marami ang kuntento sa naging performance ng pangulo.

Punto pa ni Malindog-Uy, hindi nagsisinungaling ang lumalabas na numero sa mga survey.

Nakasaad sa survey na 75% ng adult Filipinos ang satisfied, 9% ang undecided habang 15% ang hindi satisfied sa performance ni Pang. Duterte.

Mas tumaas din ang gross satisfaction rating ni Pang. Duterte ng 8% mula 67% noong September 2021.

Ginawa ng ang nasabing survey simula Disyembre 12-16 gamit ang face-to-face interviews sa 1,440 adults na may edad 18 pataas.

Dahil dito, sinabi ni Uy na malaking hamon sa susunod na pangulo ang mataas na benchmark na itinakda ni Pangulong Duterte.

More in National News

Latest News

To Top