COVID-19 UPDATES
Pang. Duterte, pinalawig ang ECQ sa Metro Manila, at mga ‘high risk’ areas
Pinalawig hanggang May 15 ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at mga tinaguriang ‘high risk’ areas sa bansa.
Ang naturang desisyon ni Pang. Rodrigo Duterte ay inanunsiyo ni presidential spokesperson Harry Roque sa televised briefing ngayong umaga.
Maliban sa NCR, Region 3, at Regio 4-A, kabilang sa mga lugar na pinalawig ang ECQ sa Benguet, Pangasinan, Tarlac, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Albay, Catanduanes, Batanes, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Cebu, Cebu City, Davao City, Davao De Oro At Davao Del Norte.
Magtatapos sana ang unang extension ng ECQ sa Abril 30.
Ang naturang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na inaprubahan ni Pang. Duterte, ay bahagi pa rin ng pina-igting na hakbang ng pamahalaan laban sa pagkalat ng COVID-19.
