Connect with us

Pang. Duterte, umaasa na ikonsidera ang paggamit ng nuclear energy sa susunod na administrasyon

Inanunsyo mismo ni Pang. Rodrigo Duterte sa kanyang taped Talk to the People Address ngayong araw, ika-3 ng Mayo, ang kaniyang desisyon na itigil na anh operasyon ng E-Sabong.

National News

Pang. Duterte, umaasa na ikonsidera ang paggamit ng nuclear energy sa susunod na administrasyon

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ikonsidera ng susunod na administrasyon ang paggamit ng nuclear energy.

Ito’y dahil na rin sa tumataas na presyo ng petrolyo sa gitna ng nangyayaring digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“I hope that the next administration would at least explore now the posibility of nuclear. Total ang nag-umpisa naman nito ay si Marcos noon. nagpagawa sya ng nuclear plant and you know oil is not infinite, may katapusan ‘yan. Someday it will dry up,” ani Pang. Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, walang katapusan ang nuclear energy kung ikukumpara sa suplay ng oil.

Ipinaalala lang ng pangulo na may ilang panganib ring kaakibat sa paggamit ng Nuclear Power Plant gaya ng radiation kaya dapat rin itong pagtuonan ng pansin.

Kung matatandaan, sinabi na rin ni incoming President Bongbong Marcos na bubuhayin nyang muli ang Bataan Nuclear Power Plant.

More in National News

Latest News

To Top