Connect with us

Pang. Marcos, bibiyahe patungong Vietnam sa susunod na linggo – DFA

Pang. Marcos, bibiyahe patungong Vietnam sa susunod na linggo – DFA

National News

Pang. Marcos, bibiyahe patungong Vietnam sa susunod na linggo – DFA

Tutulak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. papuntang Vietnam para sa isang state visit sa susunod na linggo.

Ito ang inanunsyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Undersecretary Maria Teresita Daza sa press briefing sa Malacañang nitong Biyernes, ika-26 ng Enero.

Ani Daza, magsasagawa ng state visit si PBBM sa Vietnam sa ika-29 – ika-30 ng Enero ngayong taon.

Ito ay kasunod ng imbitasyon ni Vietnamese President Võ Văn Thưởng.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng pangulo sa Vietnam mula nang maupo siya noong 2022 at ito rin ang magiging unang outbound state visit para sa taong ito.

Makakasama ng pangulo ang mga pangunahing miyembro ng gabinete kabilang ang secretary of foreign affairs at mga miyembro ng kanyang economic team.

Sa naturang foreign trip, makikipagpulong si Pangulong Marcos sa mga pinuno ng Vietnam, na sina President Thưởng; Prime Minister ng Vietnam na si Excellency Phạm Minh Chính, at National Assembly of Vietnam Chairman Vương Đình Huệ.

Inaasahang tatalakayin sa pulong ang maraming aspeto at pagpapalalim ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

Makikipagpulong din ang pangulo sa mga sektor ng negosyo para isulong ang ugnayang pangkalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

At gaya ng inaasahan, makikipagpulong din ang pangulo sa Filipino community kung saan itatampok niya ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa Vietnam.

Mababatid na mayroong humigit-kumulang 7-K Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa Vietnam kung saan karamihan sa kanila ay mga propesyonal.

More in National News

Latest News

To Top