Connect with us

Pang. Marcos, dadalo sa UN General Assembly sa New York

Pang. Marcos, dadalo sa UN General Assembly sa New York

National News

Pang. Marcos, dadalo sa UN General Assembly sa New York

Nakatakdang umalis ng bansa si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Setyembre 18, para dumalo sa ika-77 sesyon ng United Nations General Assembly sa New York City, USA.

Ayon sa Office of the Press Secretary, inaasahang magsasalita ang punong ehekutibo sa harap ng iba pang mga lider ng ibang bansa, mga miyembro ng diplomatic corps, at iba pang international organizations.

Tatalakayin ni PBBM sa high level general debate ang mga prayoridad ng kanyang  administrasyon gaya ng climate change, rule of law, at food security.

Tatalakayin din ng chief executive ang mga solusyon upang matugunan ang ‘interlocking challenges’.

Samantala, babalik naman ng PILIPINAS si Pangulong Marcos sa Setyembre 24, 2022.

 

More in National News

Latest News

To Top