Connect with us

Pang. Marcos, hinikayat ng mga magsasaka na taasan ang presyo ng palay sa P23/kilo

Pang. Marcos, hinikayat ng mga magsasaka na taasan ang presyo ng palay sa P23/kilo

National News

Pang. Marcos, hinikayat ng mga magsasaka na taasan ang presyo ng palay sa P23/kilo

Hinikayat ng magsasaka si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na siya ring Agriculture Secretary na taasan ang buying price ng palay ng 21% o P23/kilo mula sa P19 kada kilo para matulungan ang mga magsasaka.

Ito ay upang matulungan sila sa pagbabayad sa mataas na halaga ng mga planting input.

Ayon kay Simeon Sioson, chairman ng 4 na SM Agri Multipurpose Cooperative, nirerepresenta ng mga ito ang grupo ng mga rice farmer mula sa San Miguel, Bulacan ang naglabas ng apela na ito sa isang presscon kasama ang iba pang mga magsasaka na pinangungunahan ng PCAFI farmers alliance.

Dagdag pa ni Sioson, dahil sa P23 na price support magkakaroon na ng tiyak na kita ang mga magsasaka at maeengganyo ang iba na magsaka.

Dagdag pa ni Sioson, nararapat lang na taasan ang presyo dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng fertilizers at apektado rin ito ng climate change.

Nananawagan naman si Sioson na tanggalin na ang Rice Tarrification Law dahil ang mga miller, trader, importer at smugller ang nakikinabang dito.

More in National News

Latest News

To Top