Connect with us

Pang. Marcos Jr., hindi tatanggalin si VP Sara Duterte sa kanyang gabinete

Pang. Marcos Jr., hindi tatanggalin si VP Sara Duterte sa kanyang gabinete

National News

Pang. Marcos Jr., hindi tatanggalin si VP Sara Duterte sa kanyang gabinete

Hindi papalitan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanyang gabinete.

Ito’y kasunod ng naging pahayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos na ‘bad shot’ na sa kanya ang pangalawang pangulo dahil umano sa pagtawa nito nang tawagin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ama ang si Marcos Jr. na ‘bangag.’

Sa panayam kay Marcos Jr., sinabi nito na wala siyang nakikitang dahilan para alisin si VP Sara sa kanyang gabinete.

Dagdag pa ni PBBM, mapapalitan lamang ang isang miyembro ng gabinete kapag hindi nito ginagawa ang kanyang trabaho, kung hindi talaga marunong o kaya ay korap.

At hindi aniya ganoon si VP Inday Sara.

Matatandaan na noong Lunes din ay nagpahayag si VP Sara na may karapatan ang unang ginang na magpahayag ng galit o pagkadismaya at iginiit na ang naramdaman ng first lady ay walang kinalaman sa kanyang mandato bilang pangalawang pangulo ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top