National News
Pang. Marcos, nais subukan ang PH-ID maritime border template sa bansang China
Nagkaroon ng pagkakataon sina Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo na pag-usapan ang delimitation sa maritime border sa pagitan ng Pilpinas at China.
Ayon kay Pang. Marcos, may maritime borders na tumatawid ang exclusive economic zone ng Pilipinas sa Indonesia.
Aminado si Marcos na nagkagulo ng konti sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa isyu na ito ngunit naayos naman.
Kaya bukas si Pangulong Marcos na gamiting template ang naging maayos na pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kaugnay sa isyu ng West Philippines Sea sa ibang bansa.
“So sinasabi ko, ‘yan ang parang template para doon sa delimitation talks sa continental shelf that we are undergoing now. But also not only for the issues between Indonesia and the Philippines, pero sabi ko pwede kong gamitin ‘yan. Kahit na iba ‘yung kausap, ‘yung delimitation talks na ganyan,” ani PBBM.
Maliban sa bansang Pilipinas at Indonesia ilan din sa mga bansa nagsasabing bahagi ng kanilang teritoryo ang South China Sea ay ang bansang Vietnam, Brunei, Malaysia, Taiwan at China.
Kaya naniniwala si Panguong Marcos na ang naging karanasan ng Pilipinas at Indonesia para tugunan ang isyu ng maritime dispute sa West Philippines Sea ay pwede maging ehemplo sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
“So, as I said, we should show it to the rest of ASEAN as an example that it is something that it can be done. It can be done basta nag-uusap kayo with the bilateral agreement,” dagdag pa ng punong ehekutibo.
Kaya naman bukas si Pangulong Marcos na gamitin ang nasabing stratehiya sa pagtugon sa maritime dispute sa bansang China ang naging magandang pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
“I think it is worthwhile to explore at the very least because it is one instance that this kind of discussion we came to a conclusion, we came to a resolution so we should try it hopefully it works if it doesn’t work, we’ll try something else, but at least we have a beginning point. That’s what I see,” saad pa ng punong ehekutibo.
Natapos ngayong araw ang tatlong araw na state visit ni Pangulong Marcos sa bansang Indonesia kung saan itinuturing niya itong mas produktibo kaysa inaasahan nito,