Connect with us

Pang. Marcos, nakipagpulong sa dating PM ng UK

Pang. Marcos, nakipagpulong sa dating PM ng UK

National News

Pang. Marcos, nakipagpulong sa dating PM ng UK

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Anthony Charles Lynton Blair, dating Prime Minister ng United Kingdom at kasalukuyang Executive Chairman ng Tony Blair Institute for Global Change.

Ginawa ang naturang pulong sa New York City nitong Setyembre 21 sa gitna ng working visit ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos.

Sa nasabing meeting nina PBBM at Blair, napag-usapan ang patungkol sa optimistic peace process sa Bangsamaro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Siniyasat din sa naturang pulong ang mga kongkretong paraan upang matugunan ang iba pang priority issues sa pandaigdigang ekonomiya tulad ng seguridad sa pagkain, kalakalan at climate action.

Base sa official website ng UK government, si Blair ang pinakamatagal na naglilingkod bilang Labor Prime Minister ng nasabing bansa.

Kabilang sa notable accomplishments ng former prime minister ang pangangasiwa sa peace process sa Northern Ireland, reporma sa pampublikong sektor at ang pagtugon sa mga pag-atake ng mga terorista noong Setyembre 11, taong 2001 o karaniwang kilala bilang 9/11 at maging noong Hulyo 7 taong 2005 o kilala ring London bombings of 2005 o ang 7/7.

More in National News

Latest News

To Top