Connect with us

Pang. Marcos, tiniyak ang hustisya kaugnay ng pambobomba sa Marawi City

Pang. Marcos, tiniyak ang hustisya kaugnay ng pambobomba sa Marawi City

National News

Pang. Marcos, tiniyak ang hustisya kaugnay ng pambobomba sa Marawi City

Tinuligsa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambobomba sa Mindanao State University (MSU) at mga komunidad ng Marawi noong Linggo, December 3, 2023, na ikinamatay ng 4 na indibidwal at ikinasugat ng marami.

Sa inilabas na statement, sinisi ni Pangulong Marcos ang mga dayuhang terorista sa likod ng bombing attack.

Aniya, ang mga ekstremista na gumagamit ng karahasan laban sa mga inosente ay palaging ituturing na mga kaaway ng lipunan.

Tiniyak naman ni Marcos sa publiko na dalhin sa hustisya ang mga may kagagawan ng naturang atake ng pambobomba.

Siniguro rin ng pangulo sa mga residente ng Marawi City na pinaiigting na ang seguridad sa buong campus ng unibersidad at mga kalapit na lugar.

Ani PBBM, inutusan na niya ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin ang proteksyon at kaligtasan ng mga sibilyan at ang seguridad ng mga apektado at mahihinang komunidad.

Nagpadala na rin ng mga karagdagang tauhan para sa seguridad sa lugar.

Ipinaabot naman ng pangulo ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga biktima, maging sa mga komunidad na naging target nitong pinakabagong pag-atake sa kapayapaan.

Inilahad ng punong ehekutibo na nakikipagtulungan na ngayon ang gobyerno sa regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa mga kinauukulang local government unit’s (LGU) para sa kanilang mabilis na pagtugon sa tinawag niyang ‘latest assault on peace.’

Samantala, nanawagan ang pangulo sa publiko na manatiling kalmado at maging maingat upang matiyak na ang naturang ‘horific events’ ay hindi na madaragdagan pa ng ‘inaccurate, unvetted, and unofficial information.’

More in National News

Latest News

To Top