Connect with us

Pang. Marcos, tiniyak sa publiko ang patuloy na pagsusuplay ng basic goods sa ‘Kadiwa’ outlets

Pang. Marcos, tiniyak sa publiko ang patuloy na pagsusuplay ng basic goods sa ‘Kadiwa’ outlets

National News

Pang. Marcos, tiniyak sa publiko ang patuloy na pagsusuplay ng basic goods sa ‘Kadiwa’ outlets

Nagbigay katiyakan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na tuluy-tuloy ang pagsusuplay ng mga produkto na ibinebenta sa outlets.

Ginawa ng punong-ehekutibo ang naturang pahayag sa gitna ng paglunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Miyerkules, ika-19 ng Abril.

Ginarantiya rin ni Pangulong Marcos na gagawin din ang naturang inisyatiba sa iba pang bahagi ng bansa upang makapaghatid ng abot-kayang presyo na mga produkto.

Layon din ng Kadiwa na maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng ibat ibang produkto at matulungan ang mga maliliit na negosyo.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa mga nakiisa sa Kadiwa gayundin sa  Bulacan local government.

Iginiit ng punong ehekutibo na hindi magagawang mag-isa ng national government ang programa kung walang tulong at walang magandang partnership sa mga local government.

More in National News

Latest News

To Top