Connect with us

Pangako na P20/kilo ng bigas ni BBM, posible – NEDA Sec. Chua             

Pangako na P20/kilo ng bigas ni BBM, posible – NEDA Sec. Chua             

National News

Pangako na P20/kilo ng bigas ni BBM, posible – NEDA Sec. Chua             

Sinabi ni National Economic Development Authority Sec. Karl Kendrick Chua na posible ang plano ni presumptive president Bongbong Marcos Jr. na ibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas.

Aniya, maaari itong maisakatuparan sa ilalim ng Rice Tarrification Law.

“Under Rice Tarrification, the programs are expected to increase the build per hectare from 4 metric tons to 5 or 6. So, that is possible actually. There are some places in the Philippines that are very competitive and can produce efficiently. But there are some places that they don’t have comparative advantage. So, the data that we are seeing from the DA and the PhilRice show that it is posible if our support to rice farmers are very targeted and efficient. Then I think that is a possibility. However, our support to them comes into the production subsidy that is not tie to outputs, that might be a problem. We have to balance the need to support our farmers, in a trageted and productive manner and address the concerns of the people who need lower food prices,” ani Chua.

Kinakailangang lamang aniya na masuportahan ang rice production sa pamamagitan ng targeted subsidies para sa mga magsasaka at hindi ito magagawa kung tatanggalin ang nasabing batas.

Inilahad din ni Chua na kailangang maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang  fiscal policy, economic reforms at ilan pang mga programa sa ilalim ng Duterte Administration.

Handa naman ani Chua ang economic team na makipagdiskusyon sa bagong adminitrasyon upang mailatag kung ano pa ang mga dapat at hindi dapat gawin para sa ikalalago ng ekonomiya.

More in National News

Latest News

To Top