Connect with us

Pangalang Marcos, naiahon na pagkatapos ng 36 na taon – Sen. Imee Marcos

Pangalang Marcos, naiahon na pagkatapos ng 36 na taon – Sen. Imee Marcos

National News

Pangalang Marcos, naiahon na pagkatapos ng 36 na taon – Sen. Imee Marcos

Ikinatuwa ni Sen. Imee Marcos dahil pagkatapos ng 36 na taon ay naiahon muli ang pangalang Marcos.

Ito ang binigyang-diin ng senadora ng makapanayam ito sa Sonshine Radio.

“Well bago ang lahat, siyempre, maraming maraming salamat matapos ang 36 na taon, eh talagang, kahit papaano, naaahon ‘yung pangalang Marcos. Hindi na bale ‘yung Malacañang, doon na kami galing, doon na kami lumaki, hindi na mahalaga ‘yun, ‘yung importante ay ‘yung pangalan ng aming Pamilya at higit sa lahat ‘yung legacy po ng aking ama,” ani Sen. Imee.

Aniya, hindi mahalaga para sa kanila ang makabalik sa Malacañang ngunit nais lang nilang makilala ang legasiya ng kanilang ama na si Ferdinand Marcos Sr. para sa bansa.

Pinasasalamatan din ni Sen. Imee Marcos si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI dahil sa walang sawang pagsuporta nito sa nation building.

“Sa ating kagalang-galang at butihing Pastor Quiboloy, maraming maraming salamat sa inyong suporta lalong-lalo na sa lahat ng SMNI, sa children of God, lahat ng ating mga foundation at mabuting gawain, maraming salamat sa inyong suporta. Sana tuloy-tuloy, magtulungan tayo para sa mahihirap at mga marginalized sectors. Talagang kailangan namin ng tulong ng SMNI dahil uso masyado ngayon ang fake news, kaya kayo ang mga tapat na nagbibigay ng tamang report,” dagdag pa ng senadora.

Nagpapasalamat din ito sa SMNI dahil nananatiling tapat at totoong balita ang ipinapalabas dito sa gitna ng paglaganap na ngayon ng mga fake news.

 

More in National News

Latest News

To Top