Connect with us

Pangarap na negosyo, natupad ng aktres na si Julia Barreto

Pangarap na negosyo, natupad ng aktres na si Julia Barreto

Showbiz

Pangarap na negosyo, natupad ng aktres na si Julia Barreto

Labis ang pagpapasalamat ng aktres na si Julia Barretto sa kanyang mga kaibigan at mga tagasuporta lalo na ang kanyang mga juju friends.

Ito’y matapos ang matagumpay na pagbubukas ng sariling pop-up store para sa kanyang accessories brand na The Juju Club sa isang mall sa Quezon City.

Matatandaan na noong November ng nakaraang taon ay inilunsad ni Julia ang The Juju Club at naging online store para sa mga accessories brand tulad ng mga retro clips, hats, eyewear, rings at iba pa.

Ayon kay Julia, isa ito sa mga pangarap niya na makamit bukod sa pag-aartista.

Pinutakti naman ng pagbati si Julia mula sa kanyang mga kaibigan at fans sa bagong negosyo at pagiging masinop nito.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top