Connect with us

Pangasinan farmers, nabigyan ng water pumps at engine sets

Namahagi ang National Irrigation Administration (NIA) ng nasa 70 water pumps at engine sets sa ilang mga farmers associations sa probinsya

Regional

Pangasinan farmers, nabigyan ng water pumps at engine sets

Namahagi ang National Irrigation Administration (NIA) ng nasa 70 water pumps at engine sets sa ilang mga farmers associations sa probinsya upang mapigilan ang epekto ng climate change sa kanilang mga pananim.

Ayon kay NIA Pangasinan Division Manager Engr. Gertudes Viao, ang mga nasabing kagamitan ay ibinigay nang libre sa mga magsasaka upang maresolba ang kakulangan ng tubig sa ilang lugar sa mga probinsya.

Dagdag nito, maaaring magamit ng mga magsasaka ang mga farm equipments sa loob ng 25 taon kung maaalagaan ito nang tama.

Samantala, hinimok din ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang mga magsasaka na pagsaluhan ang mga natanggap na water pumps at engines sa isa’t isa mula sa NIA.

Bukod dito ay humiling din ito sa nia ng solar-powerd water pumps dahil sa nagmamahalang presyo ng gasolina.

More in Regional

Latest News

To Top