National News
Pangatlong OFW na nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong, naitala
Naitala ang pangatlong kaso ng Overseas Filipino Workers sa Hong Kong na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Usec. Brigido Dulay sa kanyang isang post sa twitter account.
Ayon kay Dulay, kasalukuyang naka-quarantine ang nasaping pinoy worker sa Hong Kong at sumasailaim sa treatment.
Matatandaang nagpositibo rin sa nasabing virus ang dalawa pang OFW sa Hong Kong matapos ma-expose sa iba pang COVID-19 positive na Chinese.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 80 pinoy abroad ang nagpositibo sa nasabing virus at karamihan dito ay mula sa Diamond Princess Cruise Ship sa Japan.