Metro News
Pangatlong walk-in COVID-19 testing center sa Maynila,binuksan na
Binuksan na ngayong araw ang ika-tatlong walk-in COVID-19 testing center sa lungsod ng Maynila sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ng Maynila.
Libre ang naturang testing at kahit sino ay maaring magpa-test hindi residente ng lungsod.
Matatandaang unang binuksan ng Manila City Government ang dalawang walk-in COVID-19 testing center sa Ospital ng Sampaloc at Gat Andres Memorial Medical Center.
Target namang buksan ang susunod na walk-in COVID-19 testing center sa Ospital ng Tondo at Ospital ng Maynila.
Mababatid na nag-ugat ang inisyatibong ito ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso nang inilunsad nito ang drive thru COVID-19 testing center.
Una na ring nilinaw ng alkalde na ang ginagawang community based testing ay hindi rapid test kundi ito ay serology anti body lab testing na mas higit na mabisa.
Ibig sabihin ang sample na dugo na kinukuha sa sinumang nag-avail ng testing ay isinasailalim sa serology test.
Ayon kay Domagoso ang ginagamit na proseso para sa drive thru at walk-in testing center ay ang architect i1000 SR’ machines na binili ng city government mula sa Abbott
Iba naman ito sa swab test dahil ang ginagamit na makina sa pagproseso ay ang reverse time polymerase chain reaction o RT -PCR test kung tawagin
Para sa nais magpa-test, 1st come first serve basis naman ito ibinibigay at valid ID lamang ang kinakailangang ipakita rito.
