Connect with us

Pangingialam umano ng first lady sa Marcos appointees, isiniwalat ng dating ES

Pangingialam umano ng first lady sa Marcos appointees, isiniwalat ng dating ES

National News

Pangingialam umano ng first lady sa Marcos appointees, isiniwalat ng dating ES

Sunod-sunod na rebelasyon ang lumalabas ngayon laban sa maybahay ng pangulo na si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon sa dating Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, isang listahan umano ng mga pangalan na nais ilagay sa posisyon sa gobyerno ang ibinigay ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanya noon.

“It’s all about appointments.”

“She was really behind the appointments? She was the power behind the appointments.”

“I was given a list of those wishing to be appointed to specific positions in the government. And what I found revolting then was the list involves the many revenue-generating offices of the government,” Ayon kay former Executive Secretary of Marcos admin, Atty. Vic Rodriguez.

Kabilang sa tinutukoy ni Rodriguez ay ang Bureau of Customs (BOC), PCSO, PAGCOR, at BIR ang mga ahensya ng gobyerno kung saan direktang dumadaloy ang pera ng mamamayan.

Ilang pangalan din mula sa nasabing listahan ng first lady ang ibinunyag ng dating ES.

“Hindi talaga dapat ilagay ang mga taong ‘yun.”

“Can you mention some?”

Si Mel Robles. Ako talagang ayaw ko. Alam ni Pangulong Marcos ‘yun.

“Si Michael Ma?”

“Si Michael Ma. Ayoko rin ilagay ‘yun. Alam nila ‘yun. Nasa akin ang listahan,” saad ni Atty. Vic Rodriguez.

Sinong hindi makakaalala sa nag-viral na video ng birthday greetings ng first lady sa general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Mel Robles kung saan naging tanyag ang salitang “Melyonaryo.”

“Hi Mel! Or should I say Melyonaryo? Just want to wish a happy 60th birthday. Thank you for everything that you’ve done for me and my family, my husband. Sama-sama tayong babangon muli para maging Melyonaryo,” pahayag ni Liza Araneta-Marcos.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersya ang PCSO dahil sa sunod-sunod na pagkakasungkit ng lone bettors sa jackpot prize. Sa totoo lang, mahigit P2.4-B ang napanalunan sa loob lamang ng 11 lotto games simula December 2023 – Enero 2024.

Samantala, isang leaked audio conversation din sa pagitan ni Liza Marcos at Social Secretary Bianca Zobel ang kumalat kamakailan kaugnay sa umano’y extraction sa Turkey na itinuturing na may kaugnayan sa floating status ng ilang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) officials.

Ang kwento, nanghingi ng tulong ang first lady para sa kaibigan nitong si Franchis Chua na nais daw kunin nang sapilitan ang anak na nasa Turkey ngunit dahil hindi raw nakiisa ang noo’y ISAFP chief kaya ito nawala sa posisyon.

Narito naman ang leaked audio ni Zobel na inilabas ng kilalang political vlogger na si Maharlika.

“Hi Liz! Sorry to bother you but I just got a call from Thor and they’re a bit concerned because they’ve gotten an order daw that the chief of ISAFP is supposed to be changed by Tuesday and there are people that are out to do some extraction. If it’s possible to just keep the ISAFP as is daw para hindi magulo ‘yung extraction kasi two weeks pa yata,” pahayag naman ni Social Secretary, Bianca Zobel.

Nauna nang itinanggi ng first lady na sangkot siya sa pagtatalaga ng mga gov’t official na siyang trabaho ng pangulo.

“I have nothing to do with ISAFP. I don’t know the people involved. I’ve nothing with appointments. I leave that to my husband. And if I find out that somebody is using my name. I shall tell my husband not to appoint you,” saad ni Liza Marcos.

Sinabi naman ni Rodriguez na mahihirapan ang Marcos admin na itanggi ang bagay na ito lalo’t hindi lang naman siya ang nakakaalam patungkol rito.

“Mahihirapan sila na sabihing yang ay hindi naganap. I know this for a fact, one of the many reasons, bakit napag-initan itong napakahusay na opisyal na ito, decorated official, talagang mahusay opisyal ng AFP, naglilingkod ito ng tapat… ni-relieve nang walang dahilan… since then ang taong ito ay floating,” ani Rodriguez.

Si BGen. Marcelino Teofilo ay pinalitan bilang ISAFP chief noong Oktubre sa kasagsagan ng kontrobersya ng mga appointment, resignations at dismissals sa umpisa pa lang ng Marcos administration.

Kabilang na nga rin dito sina Rodriguez, dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, at dating Commission on Audit Chair Jose Calida.

More in National News

Latest News

To Top