COVID-19 UPDATES
Pangulong Duterte, binalaan ang sinumang manggugulo sa ipinatutupad na lockdown
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang ipababaril sa mga kapulisan at sundalo ang sinumang manggugulo sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.
Sa kaniyang talumpati kagabi sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na ito ang kanyang gagawin kapag nalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga nagpapatupad ng batas.
Tiniyak ng pangulo na handa ang mga kapulisan at sundalo na magpatupad ng katahimikan sa ipinapatupad na lockdown.
Magugunitang aabot sa 20 indibidwal na nagsasagawa ng kilos protesta ang inaresto matapos pumalag sa mga kapulisan sa Quezon City.