Connect with us

Pangulong Duterte, ipinag-utos na protektahan ang mga health workers

Pangulong Duterte, ipinag-utos na protektahan ang mga health workers

COVID-19 UPDATES

Pangulong Duterte, ipinag-utos na protektahan ang mga health workers

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan ang pag-aresto sa sinumang mananakit sa mga health workers na lumalaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kasunod ito ng ulat na may ilang health workers ang nakaranas ng harassment gaya ng pagbuhos sa kanila ng asido.

Sa kaniyang talumpati kagabi sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na dapat ang mga kapulisan ay huwag tumambay sa mga police station at sa halip ay maghanap ng mga mambabastos sa mga healthworkers.

‘Yung frontliners, huwag kayong mag-alala. I will support and defend you.

Muling iginiit ng pangulo na dapat protektahan ang mga health workers dahil sila ang nag-aasikaso sa mga nadadapuan ng virus.

Bukod sa harassment ay nakakaranas din ng diskriminasyon ang mga health workers dahil sa kanilang trabaho.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top