National News
Pangulong Marcos Jr., binakunahan na ng second booster shot
Natanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang ikalawang booster shot ngayong araw.
Kasabay ito ng kanyang pagdalo sa Pinaslakas Vaccine Campaign Event sa DOH vaccination site sa SM City Manila.
Pinangunahan ang pagtuturok ng booster shot sa pangulo ni
Nakatanggap rin ng second booster shot si presidential son Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos mula kay Manila Mayor Honey Lacuña-Pangan.
Pawang nakatanggap ang mag-ama ng Pfizer booster shots.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pang. Marcos na dumalo siya sa event upang himukin ang publiko na magpabooster shot kasabay ng paggiit ng kahalagaan nito sa paglaban sa bagong COVID-19 variants.
