Connect with us

Pangulong Marcos, mainit na tinanggap ang pagbisita ng European Commission president sa Malacañang

Pangulong Marcos, mainit na tinanggap ang pagbisita ng European Commission president sa Malacañang

National News

Pangulong Marcos, mainit na tinanggap ang pagbisita ng European Commission president sa Malacañang

Mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si European Commission President Ursula von der Leyen sa pagsisimula ng kanyang opisyal na pagbisita sa Pilipinas nitong Hulyo 31, 2023.

Sa isang seremonya, binigyan ng arrival honors ang European Commission president na sinundan ng guest book signing sa Reception Hall sa Malacañang Palace.

Ang pagbisita ni President von der Leyen sa bansa ay naglalayong palakasin ang bilateral na relasyon sa pagitan ng European Union (EU) at Pilipinas.

Nilalayon din ng naturang official visit na pagyamanin ang kooperasyon at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng mutual interests kabilang ang kalakalan, ekonomiya, development, maritime, climate and environment, space cooperation, digital connectivity, at iba pa.

Ang milestone visit ay may malaking kahalagahan sa panibagong momentum ng EU-Philippines bilateral relations.

Nagmamarka ito ng kauna-unahang opisyal na pagbisita ng isang presidente ng European Commission sa halos 60 taon ng diplomatikong relasyon.

More in National News

Latest News

To Top