Connect with us

Pangungurakot ng isang opisyal sa kawanihan ng gobyerno, ibinulgar

National News

Pangungurakot ng isang opisyal sa kawanihan ng gobyerno, ibinulgar

Isang opisyal ng gobyerno ang sangkot sa korapsyon sa kabila ng kinakaharap na health crisis ng bansa.

Ito ay ayon kay ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran makaraang mapag-alaman na isang deputy commissioner ng isang ahensya ng gobyerno ay tumatanggap ng suhol kapalit ng pabor.

Kinondena naman ng kongresista ang korapsyon ng hindi pinangalanang opisyal na humihirit pa kahit nasa gitna ng krisis ang bansa.

Kasaluluyang kinakalap ni Taduran, ang mga ebidensiyang may kinalaman sa ulat ng pagtanggap ng suhol ng naturang opisyal.

Tiniyak naman ng mambabatas na agad siyang magsusumite ng house resolution para ipatawag ang isang inquiry kaugnay ng umanoy korapsyon na isinasagawa ng opisyal na ito para masampahan ng kaukulang kaso.

More in National News

Latest News

To Top