National News
Panibagong bagyo, posibleng papasok agad pag-alis ni “Enteng”
Posibleng magkakaroon agad ng panibagong bagyo pagkaalis ni bagyong Enteng sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon ito sa state weather bureau na PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ngayong tatlong tropical cyclone-like vortices ang kanilang minomonitor.
Sa paliwanag, ibig sabihin ng tropical cyclone-like vortices ay hindi pa fully-developed na bagyo.
Samantala, tinatayang aalis sa PAR si bagyong Enteng ngayong linggo.