COVID-19 UPDATES
Panibagong batch ng OFWs, balik bansa na
Balik-bansa na ang panibagong batch ng mga manggagawang Pilipino mula sa ibang bansa na naistranded at apektado ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kaninang umaga nang dumating sa Manila ang nasa 247 Filipino seafarers.

Photo Courtesy: DFA
Ang mga ito ay tripulante ng MS Amera at MS Amadea mula Frankfurt, Germany.
Sinalubong ang mga repatriated seafarers ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Bureau of Quarantine.
Gaya ng mga naunang inilikas na OFWs, isasailalim din ang mga ito sa mandatory 14-days quarantine.
